69

Nov 15, 2021 @ 17:52
By

Duterte kasado na sa senatorial race

Pinal na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 elections – tatakbo itong senador.

Inihain ni Duterte sa pamamagitan ng isang representative ang kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong Lunes, kung saan tatakbo siya sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Papalitan ng pangulo ang unang naghain ng COC sa ilalim ng PDDS na si Mona Liza Visorde.

Ayon kay PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag, pinili ni Duterte ang PDDS imbis na PDP-Laban dahil na rin sa dalawang paksyon ng partido.

“The PDP Laban – PDDS Alliance is further strengthened by President Duterte’s decision to file his COC for Senator. PDP Laban fully supports President Duterte. Him using the PDDS CONA is a strategic decision,” pahayag ni Matibag sa isang viber message.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?