16

Oct 6, 2021 @ 13:31
By

Duterte kaisa sa freedom of speech, walang sinampahan ng libel – Palasyo

Isa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naniniwala sa kapangyarihan ng freedom of speech.

Ito ang sinabi ni Palace spokesman Harry Roque sa isang pahayag nitong Martes.

“The President believes in freedom of speech and a free marketplace of ideas, and he has demonstrated this in his entire public career,” wika niya.

“As a public official, the Chief Executive has not filed a libel case against his critics,” dagdag pa ni Rouqe.

Kaugnay ang pahayag sa naging resulta ng survey ng Social Weather Stations patungkol sa paglalathala ng mga kritisismo sa Pangulo.

Lumabas kasi sa naturang 2021 survey na “dangerous” o mapanganib ang pagpa-publish ng mga kritisismo kay Duterte.

“The President simply focuses on his work with the welfare of the Filipinos foremost in his mind,” ani Roque. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?