17

By

Duterte kabilang sa ‘World’s Most Powerful People’ ng Forbes mag

Sharing is caring!

Kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo batay sa inilabas na mga pangalan ng Forbes Magazine.

Mula sa dating pang-70 noong 2017 ay umangat ang Pangulo bilang 69th World’s Most Powerful People ngayong 2018.

Batay sa deskripsiyon ng Forbes Magazine, napabilang ang pangalan ng Pangulo sa listahan dahil sa kanyang kampanya kontra iligal na droga at ang matapang na pagmumura nito.

Nangunguna naman sa listahan ng Forbes Magazine si Chinese President Xi Jinping, pumangalawa si Russian President Vladimir Putin, at pangatlo si United States President Donald Trump.

Hawak ni Putin sa loob ng apat na taon ang titulo, pero ngayong 2018 ay napunta sa Chinese President.

Kasama sa top 10 ng World’s Most Powerful People sina Pope Francis, Bill Gates, at si Saudi Crown Prince Mohammad Bin Salman Al Saud.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?