2,121

By

Duterte itinatwa ang simbahan: Hindi na ako Katoliko!

Sharing is caring!

Hindi na kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Romano Katoliko, ang relihiyong nakagisnan nito.

Sa kanyang pagbisita sa mga nasalanta ng landslide sa Naga City, Cebu, sinabi ng Pangulo na naniniwala siya sa Diyos na siyang kumokontrol sa mundo.

Iba aniya ang Diyos niya sa ipinangangalandakang Diyos ng nakararaming nagbabanal-banalan subalit wala namang ginawa kundi mambabae at gumawa ng raket.

“Our religion is Catholic. But I’m a Christian , I am no longer Catholic. I can only point one being that has control over the birth and death of the person and what happens to the world,” anang Pangulo.

Tinawag ng Presidente na baliw ang mga kritiko nitong tumatawag sa kanya ng demonyo dahil ginagamit ang pangalan ng Diyos para siya tirahin pero nagmamalinis lang naman ang mga ito.

“We al believe in God. But if you flaunt your God around yet act foolish and collect…you did’nt do anything but womanize, have plenty of rackets, yet you use God to say that I’m a demon. Baliw na!,” dagdag pa ni Duterte.

Matatandaang mainit si Pangulong Duterte sa mga alagad ng Simbahan dahil sa pakikialam ng mga ito sa kanyang kampanya kontra iligal na droga. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?