48
Mga banat ni Duterte sa mga pari, hindi pag-abuso sa freedom of speech - Panelo
By

Duterte itinangging nagpaopera sa puso

Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ulat sa social media na sumailalim siya sa heart surgery noong Mayo.

“Hindi… I’m not without — may sakit. Pero kung sabihin mo na naoperahan daw ako sa heart. If there is something wrong in my heart, it cannot be a heart disease,” anang Presidente sa panayam sa kaniya sa TV show na “Give Us This Day” nitong Sabado.

Magugunitang noong Mayo kumalat sa social media na inatake sa puso ang 74-anyos na si Duterte at na-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Halos isang linggo itong hindi nagparamdam sa publiko matapos ang May 13 midterm polls, kaya lalong nangamba ang publiko sa lagay ng kalusugan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?