duterte-ex-wife

Duterte isinayaw ang ex-wife sa kanyang 70th birthday

Sharing is caring!

Isinayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang dating asawang si Elizabeth Zimmerman sa pagdiriwang ng kanyang ika-70 taong kaarawaan noong Sabado.

Dumalo si Duterte sa birthday celebration ni Zimmerman sa Davao Ciy kasama ang kanyang mga anak at mga kaibigan.

Sa video na ipinost sa Facebook ni Davao City Information Officer Jefry Tupas, makikitang isinasayaw ng pangulo ang kanyang dating maybahay.

Sa kanyang mensahe kay Zimmerman, soinabi ni Duterte na kung bibigyan siya nito ng isa pang pagkakataon ay pakakasalan niya muli ito.

“Given another chance, another life, I would still marry Elizabeth. Because that is love,” sabi diumano ng Pangulo sa isang post sa Facebook.

Inawit din ni Duterte ang popular na awiting “Ikaw” para sa kanyng dating asawa at nag-kiss din ang mga ito.

Si Zimmerman ay ina nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, dating Vice Mayor Paolo Duterte, at Sebastian.

Naghiwalay ang mag-asawa noong 1998 at napawalang bisa ang kanilang kasal noong 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?