68

Dec 27, 2017 @ 9:32
By

Duterte, isda at suman ang handa sa noche buena

Simple lang ang handa sa noche buena ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 25 kung saan isa sa mga handa nito ang isda, noodles at suman.

Ayon sa Palasyo, ang suman ang isa sa paboritong pagkain ng Presidente kayat palaging kasama ito sa handa sa noche buena.

Pero hindi umano halos nagalaw ng Presidente ang handa dahil sa patuloy na pagtanggap ng balita sa bahang dulot ng bagyong Vinta pati na ang malagim na sunog sa NCCC mall na kumitil ng 37 katao.

Tinatayang nasa dalawang daan ang mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Vinta habang 37 sa sunog.

Pero pagsapit ng alas dose ng hatinggabi ng December 24 ay dumating ang mga apo ng Presidente para batiin siya ng “Merry Christmas”.

Naging tradisyon ng pamilya Duterte na dalawin ang Presidente para ipaabot ang pagbati sa kapaskuhan.

Habang nasa kasagsagan ng pagsasaya ang sambayanan ay abala naman ang Presidente sa pag-asikaso sa mga biktima ng bagyo at sunog kasama ang mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte at ang nagbitiw na si Paolo Duterte.

Ayon sa Pangulo, walang katumbas na kataga ang magpapalubag sa loob ng isang namatayan kayat kailangan alalayan ang pamilya ng mga biktima.

“Death to me is spiritual journey. So nobody can deal with it except the ..yung ano…no amount of kind words, consolling words,” ang pahayag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?