39

Nov 16, 2021 @ 16:31
By

Duterte isasama sa Lakas-CMD senatorial slate

Ipapasok ni House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng mga senatorial candidate na susuportahan ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa nalalapit na halalan.

“With President Duterte’s filing of candidacy for senator in 2022 election, it will be my honor, as Lakas-CMD president, to nominate his name for inclusion in the list of senatorial candidates to be adopted by the party,” sabi ni Romualdez.

Sa kasalukuyan ay binubuo na ng National Executive Committee ng Lakas-CMD ang listahan ng kanilang senatorial candidates.

Si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ay tumatakbo sa pagkabise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD.

Ang Lakas-CMD ang isa sa mga partido na tumulong na mahalal si Duterte sa pagkapangulo noong 2016.

Ang mga miyembro nito at mga kaalyadong party-list representatives ay kasama sa supermajority bloc ng Kamara de Representantes na siyang nagtutulak sa pagpasa legislative agenda ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?