12

Jan 12, 2021 @ 17:38
By

Duterte ipinatigil pagmimina sa Tawi-Tawi

Pinasuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga mining operation sa Tawi-Tawi, ayon sa isang opisyal ngayong Martes.

Ayon kay Cabinet Secretary, “concerned” ang Pangulo sa naturang probinsya dahil sa mga ulat tungkol sa tuluyang pagkasira ng Tumbagan Island sa Languyan.

“The island at this point has been mined out. And while rehabilitation efforts are underway, the President is issuing a directive to stop any and all mining operation in Tumbagan island, and to step up the rehabilitation of the area by planting more trees, and other efforts,” aniya sa isang online briefing.

Tiniyak naman ni Nograles na pagtutuonan ng pansin ng pamahalaan ang nangyayaring pagmimina sa naturang isla.

“More action will be considered as more light is shed regarding the state of the island and the conduct of mining operations in the area,” aniya.

Dagdag pa niya, hinikiyat din ng Pangulo ang mga residente roon na imbes na magmina ay taniman ng maraming puno ang naturang lugar bilang hakbang sa nalalapit na rehabilitation nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?