Duterte ipinasa na sa Singapore ang ASEAN chairmanship

Sharing is caring!

Pormal nang inilapat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang chairmanship ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong sa pagtatapos ng 31st Asean Summit and Related Meetings kanina.

“As the Philippines’ chairmanship of Asean draws to a close, I reiterate my commitment that my country, as Asean chair, will remain steadfast in upholding the ideals and values we hold dear and in working for the realization of our shared aspirations,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.

Sisimulan ng Singapore ang Asean chairmanship sa 2018.

Bukod sa 10 miyembro ng Asean, kasali rin ang mga lider ng Australia, China, India, Japan, New Zealand, Republic of Korea, Russia, United States, Canada, European Union, at United Nations sa Asean Summit mula Lunes hanggang Martes.

Sa ilalim ng liderato ni Duterte, pinagtibay ng Asean ang kasunduan sa karapatan at proteksiyon ng migrant workers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?