3,237

By

Duterte inutos ang pananambang kay Loot

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinag-utos niya ang pang-a-ambush kay dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot noong nakaraang taon.

Si Loot ang dating police general na pinangalanan ng Pangulo bilang protektor ng mga sindikato ng droga. Nakaligtas si Loot sa pananambang noong Mayo 2018 habang sugatan ang apat na katao.

“General Loot, p*** i*** mo, nanalo pa na mayor. Inambus kita, animal ka, buhay pa rin,” pahayag ng Pangulo sa kanyang speech sa oath-taking ng mga bagong talagang opisyal sa Malacañang.

Naging director ng Philippine National Police Training Service at director ng Police Regional Office 8 si Loot bago ito nagretiro at pumasok sa politika.

Nanalo siyang alkalde sa Daanbantayan, Cebu noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?