5,220

Duterte iniwan si Bongbong – Lacierda

Dahil sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na maging anti-drug czar, “irrelevant” na sa ngayon ang electoral protest ng natalong vice presidentiable Bongbong Marcos sa Supreme Court (SC).

Ito ang opinyon ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Noynoy Aquino na si Edwin Lacierda.

“The SC may have delayed to reaffirm the legitimacy of Leni Robredo as VIce-Resident but the mere offer by the President to the VP to be drug czar made the reaffirmation by the Supreme Court irrelevant for now,” tweet niya kahapon, Nobyembre 7, 2019.

“More importantly, the president left Bongbong Marcos in the dust,” dagdag pa niya.

Hanggang ngayon, tuloy pa rin ang electoral protest ni Marcos laban sa pagka-bise presidente ni Robredo.

Matatandaang sa resolusyon na nilabas ng Presidential Electoral Tribunal, lumamang pa nang 15 libong boto si Robredo kaysa kay Marcos mula sa recount ng tatlong pilot provinces na pinili ng huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?