149

By

Duterte iniutos ang 2-minuto na airport transaction para sa OFWs

Sharing is caring!

Para mapadali ang pagpasok at paglabas ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa mga paliparan, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Immigration ang “no contact policy”.

Sinabi ng Pangulo na kailangang sa loob ng dalawang minuto ay tapos agad ang proseso sa mga paalis at pauwing OFW.

I-swipe lamang aniya ang pasaporte ng mga OFW sa bagong ginagamit sa pagbasa ng pasaporte at hindi na kailangang tanung-tanungin pa ang mga ito ng immigration personnel.

“No more human contact. Just swipe your …in two minutes, you are out. Wala nang tanong-tanong. No human contact at all. And that will be true and I am ordering now,” anang Pangulo.

Ipinagbawal na rin ni Pangulong Duterte ang pagbulatlat sa bag ng mga OFW dahil ipinagmamalaki aniya ang mga ito na bagong bayani pero kinakawawa pagdating sa mga airport.

Binigyang-diin pa ng Presidente na malaki ang naiaambag ng mga OFW sa kabuhayan ng bansa kaya dapat na ibigay ang naaangkop na pagtrato sa mga ito.

“You proclaim to the world that these OFWs are the lifeblood of the nation that’s why stop f***** with it. Go for some improvements. So ngayon ah wala na,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }