Duterte inisnab ang birthday anniversary ni Bonifacio

Sharing is caring!

Absent si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng 154th birth anniversary ng pambansang bayaning si Gat Andres Bonifacio kanina sa Monumento sa Caloocan City.

Ang mga dumalo lamang sa ceremonial rites sa Bonifacio National Shrine ay sina Vice President Leni Robredo, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero at Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.

Nag-alay ng bulaklak sa rebulto ni Bonifacio sina Lorenza at Malapitan.

Dumalo din sa pagtitipon ang kaapu-apuhan ni Bonifacio na si Atty. Gregorio Bonifacio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?