86

Mar 5, 2020 @ 22:59
By

Duterte, inimbita si Pangilinan sa meeting

Inihayag ni Senador Christopher “Bong” Go na magtatakda ng meeting si Pangulong Rodrigo Duterte sa negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

Nitong Marso 5 ng gabi ay nagtagpo sina Duterte at Pangilinan sa inspeksyon at project presentation ng NLEX Harbor Link C3-R10 Section sa Caloocan City.

Ang P6.55-billion project ay itinayo ng Department of Public Works and Highways sa pakikipagtulungan ng NLEX Corporation, isang unit ng Metro Pacific Investments Corporation ni Pangilinan.

Ani Go, inimbita ng Pangulo para sa isang meeting si MVP pagkatapos ng programa.

“Mag-set (sila ng) meeting soon. PRRD invited MVP,” saad ni Go sa Inquirer.

Matatandaang panay-panay ang banat ni Pangulong Duterte kina Pangilinan at mga Ayala dahil sa nabukong kuwestiyonableng kontrata ng mga ito sa gobyerno bilang water concessionaire at nagbanta pang huwag magkamaling magkita ang mga ito dahil makakatikim aniya ang mga ito sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?