248

Apr 7, 2021 @ 22:05
By

Duterte inatake sa puso, fake news – Andanar

Pinalagan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang mga balitang dumanas ng mild heart attack si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Huwag magpapaniwala sa FAKE NEWS,” saad ni Andanar sa Facebook post ngayong Miyerkoles.

Ibinahagi niya ang screenshot ng isang artikulo na nagsasabing na-mild heart attack ang Pangulo at nilagyan niya ito ng “fake news” label.

Huwag magpapaniwala sa FAKE NEWS.

Posted by Martin Andanar on Wednesday, April 7, 2021

Lumabas ang balita matapos kanselahin ng Pangulo ang nakatakda niyang “Talk To The People” address ngayong araw.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinansela ang public address ng Pangulo matapos ilang miyembro ng Presidential Security Group ang nagpositibo sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?