12,398

By

Duterte inaming hindi makakatulong sa paggawa ng batas si Ka Freddie

Makakapag-ambag umano si singer Freddie Aguilar sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga Pilipino, hindi nga lang sa batas.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasalita niya sa PDP-Laban campaign rally sa Bacolod City.

“He can contribute to the Filipino way of life. Hindi nga siguro sa batas, pero makakatulong itong tao na ito, I assure you,” saad ng Pangulo.

Biglang kabig naman ang Pangulo at sinabing hanga siya sa “logical mind” ni Aguilar base na rin sa mga makabuluhan nitong lyrics at fluency sa English kahit pa karamihan ng mga hit song nito ay Filipino.

“He’s a very, very, bright gentleman. You know, hamunin ko kayo. ‘Yung maggawa ka ng kanta, dito lang ‘yan eh. Tapos i-rhyme nila, tapos may isang sentence na rhyme nila, magsulat sila ng words rel — lyrics. Tapos i-combine nila ‘yan sa tarararan hanggang maging kanta. Kung makagawa ka ng ganyan mautak ka talaga. You must have a very good logic,” aniya.

Kung ikukumpara umano ito kina Gary Alejano, Chel Diokno, Florin Hilbay, Romy Macalintal at Erin Tañada, mas magaling si Aguilar dahil wala umanong nagawa ang mga opposition candidate para mapasaya ang mga Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?