54
views

By

Duterte, inaalagaan ang popularidad – Tinio

Sharing is caring!

Hindi na nasorpresa si ACT Teachers party-list Representative Antonio Tinio na napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “very good” satisfaction rating.

Katuwiran ni Tinio, gagawin ng Pangulo ang lahat para sa kanyang popularidad.

Sa resulta ng March 2018 Social Weather Stations survey, lumabas na 70 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing kuntento sila sa pamamahala ni Duterte, habang 14 percent ang hindi satisfied at 17 percent ang undecided.

Sabi ni Tinio, hindi ito nakapagtataka dahil iba ang pagpapahalaga ng Presidente sa kanyang popularidad.

“Hindi kataka-taka yan na nananatiling mataas ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte. Bakit? Dahil isang natutunan natin sa presidency ni Digong ay talagang nakatutok siya sa pag-alaga sa kanyang popularidad,” ani Tinio.

Napaka-sensitive anya nito pagdating sa paningin ng publiko lalo na kung ang isyu ay may negatibong epekto sa kanyang imahe.

“Halimbawa, kung masyadong mainit ang issue, kung may ginawa ang kanyang administrasyon at naging unpopular ito, nakita natin mabilis na pumipihit o bumabawi. In many cases, meron pang panlilinlang,” ayon kay Tinio.

Inihalimbawa nito ang isyu ng pagsasara sa Boracay kung saan dumistansya ang Pangulo sa itatayong casino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?