66

Sep 27, 2018 @ 18:36
By

Duterte idineklara ang state of calamity sa Regions 1, 2, 3, CAR

Isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rehiyon na naging sentro ng pananalanta ng bagyong Ompong, kabilang ang Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR), sa state of calamity.

Sa Proclamation No. 593 na inilabas ng Malacañang, isinaad na ang naging dahilan ay ang inilarawan na “widespread destruction, substantial damage and deaths” sa mga nasabing rehiyon.

Una nang minungkahi ito ng ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para mapabilis ang rescue operations, relief and rehabilition efforts ng gobyerno at mga pribadong sektor sa mga nasabing lugar.

Naglalayon din na magkaroon ng price control measure para makaayuda sa ekonomiya ng mga rehiyon.

Matatadaan na binayo ng Ompong ang ilang lugar sa Pilipinas, partikular na ang Ilocos Norte, Cagayan, at ang nangyaring landslide sa Benguet na ikinasawi ng nasa higit-kumulang 80 katao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?