213
Duterte: Iboto niyo si Mocha, makamasa siya
Feb 25, 2019 @ 21:09
By

Duterte: Iboto niyo si Mocha, makamasa siya

Ikinampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni dating Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson bilang kinatawan ng Kasosyo Party-list sa May elections.

“Vote for Mocha. She’s really for the masses. Si Mocha. She’s Bisaya. Help her, help her. She’s one of the people who helped me,” sabi ng Pangulo sa pamimigay ng cash subsidies sa mga benepisyaryo sa Cebu City, Linggo ng gabi.

Ani Duterte, sinusuportahan niya si Uson dahil tumulong ito sa presidential campaign niya noong 2016.

“You stood by me during the dark moments sa akong kampanya. I will stick with you,” saad ni Pangulong Duterte kay Uson, na naroroon din sa event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?