731
Pangulong Rodrigo Duterte kuwait
By

Duterte ibibenta ang kaluluwa kay Satanas para sa mga OFWs

Sharing is caring!

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta ang kaluluwa kay Satanas para makalikom ng ng salapi at tulungan ang mga manggagawang Pinoy na nakaranas ng kalupitan sa kanilang mga employers sa Kuwait.

Sa ginanap na mass oath-taking sa Malacanang, sinabi ng Pangulo na handang i-subsidize ng pamahalaan ang pangangailangan ng uuwing overseas Filipino workers mula sa Kuwait matapos ipag-utos ang repatriation ng mga ito.

Sinabi ng Pangulo na galit na galit siya sa ginawa ng mga dayuhan sa mga Filipino workers at hindi niya hahayaang maulit ang karanasan ng mga ito sa malupit na mga Kuwaiti employers.

Ipinakita pa ng Pangulo sa mga bisita ang larawan ng mga Pilipinang dumanas ng kalupitan sa mga Kuwaiti tulad ng pisikal na pang-aabuso, rape at tratong parang hayop.

“They can come home and we will have to support them. Abusing natin itong pera natin na ito. Hindi naman ito atin, it belongs to the people, oh di we will subsidize them. You come home and I will seel my soul to the devil to look for money so they you come home and live comfortably.

Hindi na kaya ng katawan eh, abused and mentally drained that is why I’m trying to come up with a peaceful solution,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na hindi niya maubos maisip kung ano ang ginawa ng mga pilipino sa mga Kuwaiti para gawin ang matinding pananakit at karumal-dumal na pagpatay sa mga manggagawang Pinoy.

“What would be the sin of these Filipina? Sabi ko doon sa mga taga-Kuwait, what have we done to you to deserve these kind of treatment for my countrymen? The past administration pagkla-ganon, it is treated as quitely ministerial, ah P*** na, don’t give me that shit about just keeping silent,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?