443

Sep 30, 2020 @ 9:05
By

Duterte i-ban sa Facebook – Trillanes

May suhestiyon si dating Senador Sonny Trillanes IV hinggil sa pagkainis ni Pangulong Rodrigo Duterte sa social media giant na Facebook.

“Instead of banning Facebook in the Philippines, why not just BAN DUTERTE AND HIS MINIONS from Facebook?,” tweet ng nauna ngayong huling araw ng Setyembre 2020.

“Less toxicity na and less fake news pa,” aniya pa.

Matatandaang kinastigo ni Duterte ang Facebook dahil sa pagtanggal sa mga account at page sa kanilang site, pati na mga Instagram account, na may kaugnayan sa militar at pulisya.

“I have learned in the past days na pati yung advocacy ng gobyerno tinanggal. Facebook listen to me. We allow you to operate here hoping that you could help us also. Now, if government cannot espouse or advocate something which is for the good of the people, then what is your purpose here in my country?,” tanong ng Pangulo noong isang araw.

“Hindi na puwede β€˜yan. You cannot lay down a policy for my government. I allow you to operate here. You cannot bar or prevent me from espousing the objectives of government,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?