58

Oct 15, 2019 @ 15:21
By

Duterte huwag pangunahan sa isyu kay Albayalde – Panelo

Pinayuhan ng Malacañang ang mga mambabatas at kritiko na huwag pangunahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang magiging desisyon kaugnay sa kontrobersiyang kinakaharap ni resigned Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.

Sa harap na rin ito ng plano ng Senate Blue Ribbon Committee na iendorso ang pagsasampa ng kasong admnistratibo laban kay Albayalde at magiging malaking pagkadismaya kapag hindi ito aaktuhan ng Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang Pangulo ang tagapagpatupad ng batas at kung mayroong matibay na ebidensiya laban sa inaakusahan ay aaksiyon ang gobyerno.

“Bakit naman will not react? Di ba the President is the number one enforcer of the law. So if there is evidence against any wrongdoing, then it behooves the government to file and prosecute,” ani Panelo.

Pero nilinaw ng kalihim na wala nang magaganap na imbestigasyon sa aspetong administratibo dahil nagbitiw na si Albayalde.

“Sa administrative, wala na kasi kung wala na siya sa PNP,” dagdag pa ni Panelo.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Duterte na bilang abogado, kailangan ang ebidensiya para umaksiyon sa kontrobersiyang kinakaharap ng dating PNP chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?