19

May 4, 2021 @ 9:51
By

Duterte humirit sa China: Mga Pinoy hayaang mangisda sa WPS

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa China na hayaang makapangisda ng mapayapa ang mga Pilipino sa West Philippine Sea sa kabila ng gusot sa pinag-aagawang mga isla.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa kanyang Talk to the People sa harap ng presensya ng ilang Chinese vessel sa lugar.

Sinabi ng Pangulo na wala namang away ang Pilipinas at China kaya hayaan na lamang ang mga mangingisda dahil kailangan nilang kumain dahil nagugutom ang mga ito.

Ilang beses na aniya nitong narinig na pag-aari ng China ang lugar subalit hayaan aniyang makapangisda ang mga Pilipino ng mapayapa.

“Wala naman tayong away, hayaan nyo ang mga mangingisda kasi ang tao kumakain. Itong China, I know that it’s yours, according to you. But you must also have heard of the fact that people are hungry. Ang Pilipino ay gutom, and you are not oblivious to the fact,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na nakahanda itong makipag-usap sa China sakaling magkaproblema sa mga pinag-aagawang teritoryo.

“Since there is no reason for trouble, if there is one brewing, you call our attention and we can talk immediately to solve the problem,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?