7

By

Duterte humirit ng martial law extension sa Mindanao

Sharing is caring!

Isang taong panibagong extension ng martial law sa Mindanao ang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa harap na rin ng mga panawagan ng stakeholders sa Mindanao na panatilihin pa ang martial law sa rehiyon.

Sinabi ni Medialdea na batay sa proseso, kailangang magpatawag ang Senate President at House Speaker ng joint sedsion para talakayin ang kahilingan ni Pangulong Duterte.

“Yes, the President already asked the Congress for another one year extension,” ani Medialdea.

Naunang inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na nagpaabot na ng abiso ang Pangulo para palawigin pa ang martial law sa Mindanao.

Batay sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP ) at Philippine National Police (PNP) isang taon pa ang hiniling nilang extension sa Mindanao para mapanatili ang kaayusan sa rehiyon laban sa iba’t ibang armadong grupo.

Tiniyak naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) sectetary Eduardo Año na tanging sa rehiyon lamang ng Mindanao patuloy na ipatutupad ang martial law at hindi palalawakin sa ibang lugar ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?