14

By

Duterte humirit muli ng Martial Law extension

Sharing is caring!

Pormal nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang ikatlong pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao.

Nakatakdang mawalan ng bisa ang ikalawang Martial Law extension sa pagtatapos ng 2018.

“Tha Palace confirms that the President has requested Congress to approve the further extension of Martial Law and the suspension of writ of habeas corpus in the whole Mindanao for another year starting next month,” ayon sa isang pahayag mula sa Palasyo.

Positibo umano ang naging resulta sa pagpuksa sa rebelyon sa Mindanao habang nasa ilalim ito ng Martial Law.

“With martial law in place, we have achieved substantial progress in addressing the rebellion in Mindanao, as well as promoting the overall security and peace and order situation,” paliwanag ng Palasyo.

Unang idineklara ang Martial Law sa Mindanao noong Mayo 2017 nang magsimula ang pag-atake sa Marawi City ng mga terorista.

Hulyo 2017 nang unang hilingin ni Pangulong Duterte na palawigin hanggang pagtatapos ng 2017 ang Martial Law. Muli itong pinalawig noong Disyembre 2017 na epektibo hanggang katapusan ng 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?