681

By

Duterte humabol sa kasal ni Koko Pimentel

Sharing is caring!

Isa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga panauhing pandangal sa kasal nina Senador Koko Pimentel at Cathryna de Guzman Yu ngayong hapon.

Ang Pangulo ang isa sa mga ninong sa kasal ng senador na ginanap sa Coconut Palace Hotel sa Pasay City.

Bago nagtungo sa kasal ay dumalo muna si Duterte sa isa nitong aktibidad sa Manila Hotel at ipinagpauna nito sa kanyang talumpati na mayroon pa siyang ibang mga aktibidad.

“One of those events will be the marriage of Koko Pimentel. He will be happy again,” ang pabirong pahayag ng Pangulo.

Idinaan ng Pangulo sa biro ang pahayag na may dalawang asawa si Sen. Koko gaya niya na umani ng tawanan.

Matatandaang ito ang ikalawang kasal ng senador, ang una ay mula sa dating beauty queen pero na-annulled na ang kanilang kasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?