46

Duterte, Honeylet nakipag-dinner sa mga kaibigan sa HK

Sharing is caring!

Nakipaghapunan si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga kaibigan nito sa Hong Kong, isang araw bago ang kanyang pagharap sa libong mga Pinoy doon.

Sa photo na inilabas ng Palasyo, makikita sa dinner sa Harbourview Hong Kong ang common-law wife ni Duterte na si Honeylet Avanceña, Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Nag-post si Duterte ng kanyang ‘fistbump’ kasama ang mga bisita na ayon sa Palasyo ay dinner ng mga “old friends” sa Hong Kong.

Walang iskedyul ang Pangulo matapos ang apat na araw na pagbisita sa China.

Haharap si Duterte sa Filipino community Huwebes ng gabi bago tumulak patungong Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?