910

By

Duterte hindi takot mawalan ng suporta sa mga Katoliko

Walang pangamba ang Malacañang sa posibilidad na kumalas ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Katolikong bumoto sa kanya noong panahon ng eleksiyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi iniisip ng Palasyo na mawawala ang suporta ng mga Filipinong naniwala at nagtiwala ng kanilang boto para sa Presidente.

Meron din naman aniyang maaanghang na salitang binitiwan noon si Pangulong Duterte patungkol sa Santo Papa dahil sa traffic at tinanggap ng taumbayan dahil hindi naman ito itinanggi ng Presidente.

Tanggap aniya ng mga Filipino kung ano si Pangulong Duterte dahil hindi ito plastik at hindi nagkukunwari sa kanyang sinasabi at sa ginagawa.

“I don’t think so, kasi noong eleksiyon pa lang naman, kung naalala ninyo meron siyang maaanghang na salita na sinabi doon kay Santo Papa dahil sa trapik ‘no at tanggap naman siya ng taumbayan for who he is. Iyan naman ang gusto ng sambayanang Filipino, ‘wag kang plastic, puwede kang tanggapin,” ani Roque.

Matapos magsalita ang Pangulo at kuwestiyunin ang unang bahagi ng Bibliya ay sari-saring puna at batikos ang inabot nito sa iba’t ibang religious organizations.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang ilang alagad ng simbahan dahil sa mga tinuran ng Presidente patungkol sa Diyos. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?