15

Mar 4, 2021 @ 15:26
By

Duterte hindi pikon – spox

Sinagot ng Malacañang ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na sobrang pikon si Pangulong Rodrigo Duterte, matapos bakbakan ng huli ang Bise.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, naiinis ang Presidente lalo na kung ang mali ay pilit ginagawang tama ng ilang tao.

Ipinaliwanag ni Roque ang ipinunto ng Bise Presidente na kailangan muna ang rekomendasyon ng Health Technical Assessment Committee (HTAC) bago magpabakuna ang medical frontliners, pero hindi aniya ito kailangan sa ilalim ng Universal Health Care Law.

“Yan po ang reaksyon ng Pangulo sa taong laging mali. Binasa po ng Pangulo ang HTAC, recommendatory lang po ,ako po ang author ng batas at kung ayaw niyang maniwala sa akin, di ko na po alam kung kanino na siya maniniwala,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na recommendatory lang ang HTAC, at ang mahalaga sa gobyerno ay matiyak ang proteksyon at kaligtasan ng mga health worker anumang brand ng bakuna ang dumating at magamit sa bansa.

“In the spirit of the law po, reccomendatory talaga ang HTAC, at siyempre ang importante mabigyan ng proteksyon sa lalong mabilis na panahon ang ating mga medical frontliners, kaya sa ating vaccination program, number one ang ating medical frontliners kahit ano pang brand ng bakuna ang dumating,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?