23

Nov 22, 2021 @ 19:32
By

Duterte hindi papalitis sa mga ‘puti’

Walang puwang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga puting hukom para maglitis sa kanya kaugnay sa reklamong inihain sa International Criminal Court.

Sa kanyang talumpati sa isang aktibidad sa General Santos City nitong Lunes ng hapon, sinabi ng Pangulo na mas gugustuhin niya ang isang Pilipinong hukom na maglitis sa kanya kaugnay sa paratang na umano’y extrajudicial killings sa panahon ng kanyang pamamahala sa bansa.

“I will not for the life of me, face in tribunal tapos with the judges there are all whites. Hindi ako haharap ng tribunal ng mga puti. If I go to jail, it must be a sentence imposed by a Filipino judge,” anang Pangulo.

Wala aniya siyang bilib sa mga human rights group at hindi niya pinapansin ang mga ito dahil hindi niya kinikilala ang kanilang mga ginagawa.

“Yang human rights na yan, hindi ko pinapansin because I do not recognize them. I would welcome a prosecutor who is a Filipino to indict me pero kung sabihin na bigyan mo ako ng puti, kalokohan yan,” dagdag ng Pangulo.

Hindi aniya siya papayag na mga puti ang magdedesisyon sa panloob na usapin ng bansa, partikular sa isyu ng drug war.

Nauna dito, binanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati ang isyu ng illegal na droga at ang paggamit umano ng isang presidetial candidate ng coccaine.

Bahala na aniya ang publiko kung maniwala o hindi sa kanyang mga sinasabi, at huwag aniya siyang sisihing hindi nagbabala pagdating ng oras na mapatunayan ang kanyang sinasabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?