190
views

By

Duterte, hindi pa kayang ipatigil ang jueteng

Sharing is caring!

Hindi pa handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang sugal na jueteng sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na batid niyang malakas at malawak ang operasyon ng jueteng sa Luzon at Visayas subalit hindi pa niya magagawang ipatigil ito dahil wala pa itong naiisip na alternationg pagkakitaan ng mga taong nakikinabang sa nabanggit na sugal.

Malawak aniya ang networking ng jueteng at mahigit isang siglo na itong laro kaya hindi basta basta maaalis lalo na sa mga nakikinabang o nagkakaroon ng trabaho sa nabanggit na sugal.

“Jueteng is unlawful, it is not legal, it cannot be allowed. Ngayon, malakas ang jueteng sa Luzon, dito sa Visayas. But sa Mindanao wala. I never really allowed, sa siyudad ko wala talaga. Ngayon kung patayin ko yan, sabihin ko sa jueteng lords, tawagin ko sa opisina ko itigil na kasi panahon na. But I must be prepared to give another livelihood scheme sa mga tao,” anang Pangulo.

Kung wala aniyang ipapalit ang gobyerno na alternatibong pagkakitaan sa jueteng ay tiyak na ang droga ang pagbabalingan ng mga kabo at kolektor ng jueteng na ayon sa Pangulo ay may mapanganib dahil mas malawak ang galamay ng illegal drug trade sa bansa.

“Kasi kung walang ipapalit,. ang kapalit niyan droga, mas deadly, mas marami na at ang networking niyan mas malawak. Ang magpapalit niyan yung mga drug lord, sasakyan na lang nila yung mekanismo so preparado ako dapat magbigay ng substitute, pinag-iisipan ko pa kung saan kukuha ng pera,” dagdag pa ng Presidente.

Nilinaw ng Punong Ehekutibo na hindi ibig sabihin ay hindi niya aaksiyonan ang jueteng kundi naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon at paghahanda bago tuluyang patayin ang operasyon ng jueteng.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?