293

Jul 16, 2021 @ 18:29
By

‘Duterte hindi nakikinig sa mga eksperto, taumbayan’

Hindi kumbinsido si Dr. Gene Nisperos, board member ng Community Medicine Development Foundation, na nakikinig at sumusunod si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga payo ng mga medical expert sa usapin ng COVID-19.

“Simpleng-simple lang naman eh. Kung nakikinig siya, naiintindihan niya ‘yung nangyayari. ‘Pag nagsasalita ba ‘yung Pangulo natin mukha bang naiintindihan niya ‘yung nangyayari? Mukha bang convincing na he’s on top of the situation?” saad ni Nisperos sa panayam sa “Balitaan at Kumustahan”.

Ayon sa kanya, kung nakikinig si Pangulong Duterte sa mga eksperto at sa taumbayan, matagal nang wala sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III, na tinawag niyang “one of the worst Health secretaries we’ve had.”

“Bigo ang kanyang administrasyon,” dagdag ni Nisperos.

Sabi pa niya, hindi lamang bigo ang kasalukuyang administrasyon sa pagtupad sa mga binitiwang pangako kung hindi pati na rin sa pagbibigay ng solusyon sa COVID.

“Hindi tayo malalagay sa ganitong sitwasyon na naghihintay tayo sa bakuna o nag-aabang tayo na kailan kakalat ‘yung COVID variant na Delta kung naging maayos, maagap at matino ang solusyon ng ating pamahalaan sa COVID,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?