9

By

Duterte hindi na maglalabas ng EO para ipagbawal ang casino sa Boracay

Sharing is caring!

Hindi na maglalabas ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte para ipagbawal ang casino sa Boracay Island.

Sinabi ng Pangulo na mismong ang mga mamamayan ng isla ang ayaw sa sugal kaya hindi na kailangan pa ang kanyang direktiba.

Batid naman aniya ng mga negosyante sa Boracay na sa simula’t simula pa ay ayaw niya ng casino sa lugar kaya tiyak na susunod ang mga ito.

“Ang survey dito, ang mga tao ng Boracay ayaw ng sugal. So it’s the voice of people is the voice of God. If it is the wish of the population here that they do not want casino, then it will be a no casino,” anang Pangulo.

Bukod dito, sinabi ng presidente na kahit ilagay niya sa papel o sabihin ng verbal, hindi aniya ito requirement kaya hindi na siya maglalabas ng EO.

Mayroon na aniyang nai-padlocked na hotel sa Boracay sina Environment Secretary Roy Cimatu at Secretary Eduardo Año ng DILG dahil mayroong casino.

Bukod dito, sinabi ni Pangulong Duterte na ang hotel ay pugad din ng gangsters at sentro ng illegal drug trade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?