39

Oct 9, 2017 @ 16:03

Duterte hindi matakaw sa popularidad – Palasyo

Hindi  interesado si Pangulong Rodrigo Duterte sa  popularidad tulad  ng  mga  inilalabas  ng  survey firms.

Inihayag  ito ng  Palasyo matapos  ilabas  ng  Social Weather Stations  ang  resulta  ng  third  quarter survey  kung  saan  bumaba  ng  labing walong  puntos  ang rating  ni Pangulong  Duterte.

Sinabi  kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, maraming  unpopular  decisions ang  Pangulo kaya’t  hindi nakapagtataka  ang  resulta  ng survey  lalo pa at  marami ang  natatamaan sa  kanyang  mga  ipinapatupad  na  pagbabago lalo na  sa  paglaban sa  katiwalian, krimen at  illegal na  droga.

“I think we need to understand that the President is playing actually a long game. In other words, he’s not just — he’s not running short term, trying to be popular like some other personalities out there who are so concerned about their ratings.

But he himself is basically concerned — even if it is an unpopular move — he is making sure that the Philippines will have the proper foundation: crime-free, drug-free and corruption-free,” ang  pahayag  ni Abella.

Iginiit  pa  ng  tagapagsalita  ng  Palasyo  na  sa  kabila  ng bumabang  satisfaction rating  ni Pangulong Duterte  ay nananatiling  positibo pa  rin ito dahil  batay sa  SWS survey mula “very good” ay  naging  “good” ang  resulta  nito.

Sinabi  ni  Abella  na  hindi  mahalaga  sa Pangulo  kung  ano man ang  resulta  ng  survey, dahil mas  nangingibabaw sa  kanya   kung  ano ang  magagawa  para sa taumbayan.

Sa  kabila  nito, sinabi ni Abella  na ipagpapatuloy  ng  Duterte  administration  ang  trabaho para  matupad  ang  pangakong  mabigyan  ng  maayos  at  komportableng  buhay  ang  mga Pilipino.

“The administration will continue to work harder to address the public’s urgent needs in order to bring a comfortable life for all,” ang  pahayag  pa  ni Abella.

Pabiro pang  sinabi  ng  opisyal  na  bagamat  tapos  na ang  “honeymoon” period  ng administrasyon, nananatili aniya  ang  pagmamahal para sa  mga  Pinoy. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?