56

By

Duterte hindi masikmura ang korapsyon, sisibak pa ng maraming opisyal

Aasahan ang mas marami pang masisibak na mga opisyal sa ehekutibo kapag hindi nagtino at umayos ang mga ito.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng lalo pang pinalakas na kampanya ng gobyerno kontra katiwalian.

Sinabi ng Presidente na hindi niya kailanman masisikmura ang korapsiyon kaya’t kahit pa kaibigan niya ang masangkot ay hindi ito sasantuhin dahil talagang sisibakin niya ang mga ito.

“Hindi ko talaga masikmura ‘yan. You do it and it’s goodbye. And it has come to pass, talagang ganun ang nangyari. And there will be more if they do not behave in the executive department,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na marami siyang kaibigan sa mga gabinete at ibang ahensiya ang pinatalsik niya dahil hindi nakinig sa pakiusap nito noong kinukumbinsi pa siya na tumakbo sa pagka-Presidente.

Ito aniya ang isa sa ikinalulungkot niya dahil pagkatapos mabigyan ng puwesto ay madaling kinain ng maling sistema kaya agad na pinatalsik ang mga ito.

“Ilang Cabinet members na. All of them were my friends. All of them worked for my election as President. All of them spent sleepless nights. Kaya pagdating doon sa Cabinet, sabi ko, ‘I welcome all of you but ito lang ang hingiin ko, huwag lang sa corruption’,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?