269

By

Duterte hindi makikipag-areglo hangga’t hindi nakakausap ang Maynilad, Manila Water

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya makikipagnegosasyon sa Maynilad at Manila Water hangga’t hindi niya nakakausap ang mga tao na nasa likod ng kontrobersiyal na 1997 water concession agreements.

Magugunitang sinabi ni Duterte na igigiit niyang makasuhan ng economic sabotage ang dalawang water concessionaire dahil ang kasalukuyang kontrata ng gobyerno sa mga ito ay hindi patas at pabor sa Maynilad at Manila Water.

“Kaya gusto ko silang makausap. Hindi ito maareglo hangga’t hindi ko makausap ‘yung mga concessionaire. Gusto ko harap ang abogado ng gobyerno na p***** i** ng gumawa ng kontrata na ito,” pahayag ng Pangulo.

Reaksyon ito ng Pangulo matapos inanunsyo ng Department of Justice na tinatrabaho na nito ang pagrebisa sa concession agreements sa pagitan ng Maynilad at Manila Water na nakitaan umano ng mga “onerous” provision.

Dagdag pa ng Pangulo, paano siya makikipag-areglo sa dalawang water concessionaire kung economic plunder ang ginawa ng mga ito.

“Kaya sabi ko ah paano mo, paano mo… how… paano mo aregluhin ‘yan ngayon? They say na, ‘aregluhin natin.’ How? How will I compromise? It’s plunder. That is the classic economic plunder. Tell me kung papaano ko sabihin sa tao?” aniya.

Binunyag din ni Duterte ang corporate income tax na pinapasa ng Maynilad at Manila Water sa mga Pilipino.

“Trillion ‘to, sobra. The fact alone that all these years we were paying a fee para sa water treatment but it’s never came into being all these years. Then corporate income tax was passed on to the Filipino people,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?