151

By

Duterte hindi makikialam sa kaso ni Imelda pero…

Hindi makikisawsaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong katiwalian ni dating unang ginang at kasalukuyang Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaaring bisitahin ni Pangulong Duterte si Marcos sa kulungan.

“I mean, kaibigan ka niya, ‘pag may kailangan ka tutulungan ka niya pero hanggang doon na lang ‘yun,” ani Panelo.

“Halimbawa nakulong ka, bibisitahin kita, parang ganoon. Galit siya sa mga nagna-violate ng law,” dagdag pa nito.

Napatunayang guilty ang 89-anyos na si Marcos ng Sandiganbayan Fifth Division sa pitong counts ng graft.

Bunga nito, lumabas ang ilang espekulasyon na bibigyan ng Pangulo ng full pardon ang dating first lady dahil sa pagiging malapit umano nito sa pamilya Marcos pero itinanggi ito ng Malacañang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?