74
duterte9
By

Duterte hindi magso-sorry sa mga alagad ng Simbahan

Sharing is caring!

Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na humingi ng dispensa sa naging maanghang na pahayag nito patungkol sa bibliya at sa pagtawag nitong “stupid” ang Diyos ng iba.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Panglao, Bohol, sinabi ng Presidente na walang dahilan para humingi siya ng public apology sa kabila ng mga kritisismo sa kanyang naging pahayag.

Ayon sa Pangulo, ang pagkilala at paniniwala sa Diyos ay personal at hindi dahil nabasa ito sa textbooks o naikintal batay sa turo ng mga magulang.

“No, I will not do that. Definitely not in a million years. You know, God is personal. It is not formed by textbooks. You nurture God as your faith based on the values that you get from life early on, from your parents. That is how you conceive God to be. So if you used God as a transmission sa ano ninyo, ah other sectors of society, then you invite criticism,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na sa ngayon ay mananahimik muna siya partikular sa iringan nila sa Simbahang Katolika.

Muling inulit ng Pangulo na sinadya nito ang ginawa para makita kung hanggang saan ang limitasyon ng mga tao.

“I have no quarrel with the other, but if they want to join the frey its fine. I’m here to… well yun ang bisyo ko eh. From time to time I shake the tree of society para makita ko yung..,” dagdag pa ng Pangulo.

Bago magtalumpati ang Pangulo sa harap ng mga miyembro ng Vice-Mayor’s League of the Philippines kaninang hapon ay may iniabot na papel sa kanya kung saan pinaalalahanan ito na naka-live ito sa telebisyon at maging sa Facebook kaya huwag itong magmura at huwag mang-away ng mga pari.

Gayunman, hindi pa rin napigil ang Pangulo at sa kanyang talumpati ay nakailang beses pa rin itong nagmura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?