161

Nov 8, 2017 @ 20:20
By

Duterte hindi magpapadikta sa US o China

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magpapadikta sa China at Amerika ano man ang posisyon ng mga ito sa pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa isyung may kinalaman sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi kahapon ng Pangulo na hindi niya hahayaan ang sinoman na magdikta kung ano ang dapat gawin ng Pilipinas sa isyu nito sa China.

Makikinig aniya ito sa pananaw ng mga lider subalit hindi siya susunod kung makakasira ito sa interes ng bansa.

“The Philippines is not beholden to anyone. The Philippines is a sovereign state. I will not allow anybody to impose anything on my country. I will listen to you. But if it is not to the best of interest for my country, I will ignore you,” ang pahayag ng Pangulo.

Nakatakdang magpulong sina Chinese President Xi Jin Ping at United States President Donald Trump sa APEC meeting sa Vietnam at kung sakaling mapag-usapan ang tungkol sa isyu sa mga pinag-aagawang teritoryo, sinabi ng Pangulo na siya ang magpapasya kung ano ang pinakamainam at bentahe sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na sakaling magkaroon ng pagkakataon na magkausap sila ni Trump sa Vietnam ay isusulong niya ang isyu ng kalakalan at pag-uusapan ang extremism at terorismo at ibibigay niya ang posisyon ng Pilipinas sa isyu sa West Philippine Sea. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?