31

By

Duterte: Hindi magnanakaw ang mga sundalo, pulis ko

Sharing is caring!

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo at pulis na inakusahang umabuso sa kasagsagan ng krisis sa Marawi City.

Kasunod ito ng pahayag ng Amnesty International na may mga report umano ng pang-aabuso sa mga residente at looting sa mga kabahayan sa panahon ng bakbakan laban sa Maute terror group.

Sinabi ng Pangulo na nakita niya kung paano hinarap ng mga sundalo ang mga kalaban at nakita niya rin sa ilang beses na pagbisita sa Marawi City kung saan nakatira ang mga sundalo.

“I do not believe that the soldiers were there to…Paano nila manakaw iyan? I was there, and they were billeted in houses and they were using the amenities of that house.

Paano mo nakawin iyang electric fan, saan mo i-karga? Pag-move out mo,ang dala dala mo lang iyong knapsack mo pati baril mo. Eh di makita ka ng opisyal. Those are large things that u cannot hide in your pocket. And I do not believe na para yan lang, nakawin ng mga sundalo,” ang pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na tiwala siya sa mga kawal dahil sumusunod ang mga ito kung ano ang iuutos sa kanila ng kanilang mga opisyal at hindi gawain ng mga ito na magnakaw ng mga gamit. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }