62

May 4, 2021 @ 12:29
By

Duterte: Hindi kasama sa kampanya ko na bawiin West PH Sea!

Giniit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang pinangako na babawiin niya ang West Philippine Sea.

Sa talumpati ni Duterte nitong Lunes, sinabi nito na seryosong usapin ang relasyon ng China at Pilipinas kaya hindi niya ito binanggit noong siya’y nangangampanya.

“I never, never in my campaign as president promised the people that I would retake the West Philippine Sea,” ayon kay Duterte.

“I did not promise that I would pressure China.”

Aniya, kailangan ng diplomatic talks para maayos ang gusot sa WPS, na aniya’y tungkulin ng Department of Foreign Affairs.

“We need to have a diplomatic talkatise diyan. Eh hindi ako diyan — nandiyan sa ating Foreign Affairs, trabaho nila ‘yan,” saad pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?