116

Dec 15, 2017 @ 11:39

Duterte hindi kakasuhan si Noynoy sa Dengvaxia fiasco

Wala sa agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III sa gitna ng kontrobersiyal na dengvaxia vaccine.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya benggatibo at wala sa bokabularyo nito na gantihan ang mga politiko at mga dating opisyal na may atraso sa kanya.

Ikinuwento ng Pangulo na tinawagan siya noon ng aktres na si Kris Aquino, ang kapatid ni dating Pangulong Benigno Aquino III pero tiniyak nito na wala siyang masamang hangarin sa kanya.

Patunay aniya na hindi siya ang klase na naghihiganti sa mga kalaban ay ang ginawa ni dating Congressman Prospero Nograles kung saan siyam na beses siyang inihabla sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?