26

May 4, 2021 @ 14:11
By

Duterte: Hindi kailangang bastusin China!

Itinuturing pa rin ng Malacañang ang China na ‘benefactor’ o nakatutulong sa bansa sa kabila ng gusot sa isyu ng West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi sa harap ng umiinit na isyu sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ng Pangulo na hindi kailangang maging bastos o magpakita ng kawalang respeto bagkus ay dapat magpasalamat dahil sa maraming tulong ipinaabot ng China sa Pilipinas.

“China remains to be our benefactor and just because we have a conflict with China does not mean to say we have to be rude and disrespectful,” anang Pangulo.

Marami aniyang dapat na ipagpasalamat sa China dahil sa mga naibigay na tulong lalo na noong mga panahon na nahaharap sa krisis ang bansa, pati na ang pagtulong ngayong panahon ng pandemya.

“We have many things to thank China for the help in the past and itong mga tulong nila ngayon. I know President Xi Jinping, because i was blunt in my — unang kita namin sinabi ko na kaagad about our resources diyan sa West Philippine Sea,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang noong nagkaroon ng krisis sa giyera sa Marawi City ay nagpadala ang China ng mga armas sa Pilipinas na ginamit laban sa mga teroristang sumalakay sa lungsod, at ang China rin ang unang nagpadala ng bakuna para magamit sa vaccination rollout laban sa COVID-19

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?