95

May 4, 2021 @ 16:14
By

Duterte hindi kaaway si Pacquiao – Palasyo

Pinasinungalingan ng Malacañang na may namumuong hidwaan sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, nananatiling tagahanga si Duterte kay Pacquiao.

“I do not think there’s a falling out,” saad ni Roque.

“Hanggang ngayon po, nananatiling napakalaking fan ni Senator Pacquiao ang ating Presidente sa larangan ng palakasan, lalo na sa larangan ng boxing,”

Matatandaan na maugong na ambisyon ni Pacquiao na tumakbo bilang Pangulo sa 2022.

Magka-partido sina Pacquiao at Duterte sa PDP-Laban, kung saan presidente ng grupo ang senador, habang chairman naman ang Pangulo.

Nang matanong si Pacquiao sa kanilang partido, sinabi nito na maayos ang relasyon niya sa PDP-Laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?