9
Duterte

Duterte, hindi bilib sa mga opisyal na mahilig mag-abroad

Sharing is caring!

Mahigpit na ipapatupad ang pagbabawal sa pagbiyahe sa ibang bansa o travel ban ng mga opisyales at kawani ng executive department ngayong pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order para rito.

Sinabi na ni Duterte na bago niya payagan ang biyahe ng mga taga-ehekutibo ay kinakailangan munang isumite sa kanya ang itinerary o mga pupuntahan, maging ang memo ng layunin ng pagbiyahe sa ibang bansa ng isang taga-ehekutibo bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan sa korupsiyon.

Hindi naman kasama sa travel ban ang mga diplomat at may balidong rason, tulad ng pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya.

Aniya, mayroon ilan kasi na ginagastos ang pondo ng gobyerno sa walang katuturan at mahilig sa mga seminar sa ibang bansa.

Dagdag pa niya, hindi siya bilib sa mga opisyal na mahilig mag-abroad at nagbabala na sisibakin ang mga ito sakaling hindi sumunod sa kanyang kautusan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?