85

Oct 14, 2017 @ 14:03

Duterte hindi babawiin ang banat sa EU

Walang pagsisisi si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pagmumura sa European Union matapos uminit ang ulo sa banta ng pitong miyembro ng Human Rights Watch na maaalis ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Commission (UNHCR).

Sinabi kahapon ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Buglasan Festival sa Dumaguete City na matapos niyang magbantang paalisin ang mga EU diplomats ay tinawagan agad siya ng kanilang ambassador at nilinaw na wala silang kinalaman sa pitong miyembro ng International Delegates of the Progressive Alliance at nagpanggap umanong EU mission.

Sinabi ni Pangulong Duterte na huli na ang paliwanag ng EU dahil hinintay pa siyang magalit at nagbantang palayasin ang mga ito bago nagsalita.

Noong panahon aniyang nag-iingay ang pitong miyembro ng Human Rights watchgroup ay hindi nagsasalita ang mga taga-EU at hindi sinita ang grupo sa kanilang maling representasyon na nagpakilala pa mula sa European Union.

“Nakinig pala yung mga ambassadors, text kaagad…they are not part of the EU… eh bakit hindi ka kaagad nagsabi? You kept your silence while they were yakking here… eh tama na yon,. tama yung ginawa ko,” ang pahayag ni Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?