8,880

Duterte: Hindi ako Katoliko

Islam at hindi Katoliko ang relihiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa Peace Assembly sa Cotabato City noong Biyernes.

Ayon sa Pangulo, may bahagi sa kanyang pagkatao na Islam kaya wala sa kanya ang pagiging Katoliko.

Nagsisimba lamang aniya siya noong estudyante siya dahil pinapatakbo ng Katoliko ang Ateneo de Davao at San Beda University kung saan ito nag-aral.

“There is part of me which is Islam actually. Kaya kung mag-away-away kami ng mga buang na pari na ‘yan, hindi man ako Katoliko. Islam man…totoo. Magsimba lang ako diyan,” anang Pangulo.

Matatandaang panay-panay ang banat ni Pangulong Duterte sa ilang pari at obispo nitong nakalipas na linggo dahil hindi aniya ginagawa ang itinuturo sa mga debotong Katoliko. (aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?