121

By

Duterte hinarana si Ruffa Gutierrez

Hinandugan ng awitin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ruffa Gutierrez nang magkasama ang dalawa sa Manila Hotel sa ginanap na fundraising event para sa mga bata ng Marawi.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Gutierrez kahapon ang clips habang kumakanta ang Pangulo ng OPM classic na “Ikaw”.

Maririnig din sa video na nakikikanta si Gutierrez kay Pangulong Duterte.

Kilalang tagasuporta si Gutierrez ng Pangulo.

Base rin sa ipinosteng larawan ni Gutierrez, makikitang kabilang sa mga personalidad na dumalo sa event sina Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Nilagyan niya ito ng “#peace” at dove sticker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?