33

Oct 5, 2021 @ 17:22
By

Duterte hinamon si Dick: Kasuhan Pharmally ‘pag may ebidensya

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamunuan ni Senador Dick Gordon na kasuhan kung may makitang ebidensiya laban sa Pharmally Pharmaceutical na iniimbestigahan sa Senado.

Ang hamon ay ginawa ng Pangulo dahil sa hindi matapos-tapos na imbestigasyon ng komite ni Gordon na nagsimula sa mga biniling medical supply ng gobyerno.

Ayon sa Pangulo, dalhin sa tamang korte ang kaso kung may nakitang ebidensiya dahil hindi criminal court ang Senado.

“If you think you have enough evidence against Pharmally to support your allegations, go ahead and file cases against them at the proper courts. The Senate is not a criminal court. Stop using it simply as witch hunt,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na hindi imbestigador ang mga mambabatas kaya dalhin sa Ombudsman o sa korte ang mga nakitang ebidensiya.

“Hindi naman kayo imbestigador. You do not pretend to be an investigator with finding so much fault there. It’s the Ombudsman or the prosecutor, whichever agency it may be filed,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?